I.Panimula 
    Tungkol ito sa isang batang nakakita ng tatlong bilog nang nalaglag siya sa putikan at inuwi niya sa bahay at hidi niya alam na anak pala tio ng isang malaking ibon kaya pumunta sa bahay nila.

II.Pormalistiko
A. Buod
Tumutulong si Mimi sa kaniyang ina sa mga gawaing bahay at ang paghahatid sa kaniyang ama ng pagkain doon sa tinatrabahuhan niya. isang araw ay nagkataong naglalaba ang kaniyang ina kaya siya lang mag-isa ang naghatid ng kakainin ng kaniyang ama nang bigla siyang nalaglag sa putikan. doon niya nakit ang tatlong bilog na may kulay pula, asul at puti. inakala niyang itlog ito ngunit impossible sa kulay nito. Isinilid niya ito sa kaniyang basket at nagpatuloy sa pagpunta sa kanyang ama. Pagkahatid ng pagkain sa kaniyang ama ay nakalimutan niyang sabihin ang tatlong bilog na nakita niya sa putikan . nakauwi na siya at pumunta sa kaniyang silid. Tinitigan niya ito at inalog kung ano ang laman ngunit hindi niya makuha ang sagot. angulat na lamang siya nang isang ibon ang sumugod mula sa kaniyang bintana at ito ay malaki. natakot siya at siya ay sumigaw ngunit hindi narinig ng kaniyang ama. napagtanto niya na ang pinuntahan pala ng malaking ibon na iyon ay ang kanyang mga inakay na inakala niyang laruan ngunit buti na lang ay hindi pa niya ito napag-lalaruan. nang binigay na sa kaniya ito ay mukang nagkasundo ang dalawa at naggkabati. nginitian ito ni Mimi at umalis ang malaking ibon.

B.mga elemnto
1. tauhan: Mimi, malaking ibon, ina at ama
2. tagpuan: sa kanilang bahay
3.banghay:
a.Panimula- bata pa lang ay tumuulog na si Mimi sa kaniyang ina. Sa gawaing bahay at sa paghahatid ng pagakin sa kaniyang ama na nasa trabaho.inutusan siya ng kaniyang ina na siya muna ang maghatid ng pagkain sa kaniyang
ama dahil siya ay naglalaba pa. at sinunod naman niya ito.

b.saglit na kakintalan.: habang naglalakad siya patungo sa pinagtatrabahuhan ng kaniyang ama ay nadulas siya at napahiga sa putik. maynakita siyang tatlong bilog na magkaka-iba ang
kulay. inakalan niyang ito ay itlog ngunit impossible dahil sa kulay
nito.sinilid niya ito sa basket at nagpatuloy sa paglalakad.
nang nakapunta na siya ay inabot ni Mimi ang pagkain sa kaniyang amangunit
nakalimutang sabihin ang tungkolsa bilog na nakita niya.

c. Papataas na aksyon:  pagka-uwi sa bahay ay pumunta siya agad sa kaniyang silid at nilabas ang mga bilog nang biglang may malaking ibon na dumapo sa kaniyang binta. natakot sya. napagtanto niyang baka mga inakay nito ang mga bilog na nakita niya at ito ay mga itlog.

d. wakas: isinauli niya ito sa malaking ibon at nagkabati sila nito at hindi siya sinaktan at smula noon ay hindi niya na mailimutan ang karanasang ito.

III.Teoryang Pmpanitikan
A. teoryang gagamiin sa pagsusuri:
1 Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. 

2. Teoryang Formalismo/Formalistiko- Ang layunin ng panitikan ay iparating
sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang
panitikan. 

3.Teoryang Queer- Ang layunin ng panitikan ay iangat
at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.

4.Teoryang Psycho-Analitiko- ipinapakita sa akada ang
pagkaagresibo ng mga tao sa usaping sekswal at mga sexual
urges. 


5. Teoryang Bayograpikal-  Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. 

  b.Teoryang gagamitin sa pagsusuri
 Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp


c.agsusuri gamit ang teoryang napili
rin siyang kalayaang pumili ng kaniyang gagawin kung itatago niya ang mga itlog o hahayaan na lang ito sa malaking ibon.

 
I.Panimula
     Ang Lugmok na ang nayon ay isang akda ni Edgardo M. Reyes. Tungkol ito sa dalawang magkaibigan na naglakbay patungo sa Sapang Putol upang humingi ng panghanda sa kaniyang kapatid na ikakasal.

II.Pormalistiko
A. Buod
    Nilakad ko at ang kaibigan kong si Vic ang daan patungo sa lugar ng kanilang kamag-anak.  Sobrang haba nito at madadagdagan pa ng init ng araw mainit na simoy na hangin maduming paligid tagaktak ng pawis at uhaw na lalong nagpapahirap sa aming paglalakad.Pagdating nila doon ay nakita niya na magiliw silang tinanggap nito at nakita niya ang hirap ng buhay dito at saya ng mga tao kahit simple lang ang buhay. Masaya ako dahil nakilala ko ang mga kamag-anak ni Vic at napakabait nilang lahat. imbis na sabihin ni Vic na kailangan nila ng panghanda para sa kasal ng kanyang Kuya Selmo ay idinaan niya sa pag-aayaya na pumunta sa kasal nito. Ngunit madaming dahilang ang sinabi ng mga inanyaya niya kung bakit hindi sila makakasama. kinabukasan ay maaga pa lang ay nagtungo na doon ang mga dalang handog mag-anak ni Vic iba''t ibang hayop at gulay na bagay na bagay sa kasal na ito. Hiniram nila ang kariton sa kaniyang Tata Pilo upang maiuwi lahat ng kanilang handog. Nagpaabot na lang ng mensahe ang mga kamag-anak ni Vic sa kasal ng kapatid at ara na rin sa kanilang ama't ina.
 B.Mga Elemnto
a. tagpuan:Sa nayon ng San Manuel, Sapang Putol
b.tauhan: Ako, Vic, tata Pilo Kuya Selmo, Oding, Nana Buro at si Ising.
c. Banghay
1. Panimula: Naglalakad patungong Sapang Putol si Vic at ako. Napakainit at Idagdag pa ang mainit na simoy ng hangin at iba pang nakakapagdagdag ng pagod sa mahabang paglalakad.
2.Saglit na kakintalan:Nang malapit na silang mngalahati ay nagkwentuhan sila at nakalimutan ang layo ng kanilang nilalakad.
3.Papataas na aksyon: Malapit na sila sa patutunguhan at marami siyang nakitang mga batang nagtatrabaho imbis na mag-aral at at iba pang mahirap na kalagayan ng mga mamayan doon.
4. Kasukdulan: Narating na nila ang Sapang putol at napansin niyang magiliw at masaya ang bisita nang magtungo sila doon.
5.Pababang Aksyon: inanyayahan ni Vic na pumunta ang kanyang kamag-anak sa kasal ng kanyang kapatid ngunit tumanggi ito kaya nagbigay na lang ng panghanda na siyang pinunta nila doon.
6.Wakas:Nakuha nila ang kanilang pakay at napakarami nito na kailangang pang hiramin niya ang kqariton ni tata pilo upang madala lang iyon.

III.Teoryang Pampanitikan
A. Ipaliwanag ang mga Teoryang Pampanitikan

1.    Teoryang Klasismo-
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,
ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita
at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2.   Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan
ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3.   Teoryang Imahismo-  Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit klmang ng karaniwang salita.

4.  Teoryang Realismo-     Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.

5. Teoryang Feminismo-  Ang layunin ng
panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat
ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

B. Teoryang gagamitin sa pagsusuri:

Teroyang Humanismo-Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."

C. Pagsusuri gamit ang teoryang napili
Teoryang humanismo dahil ito ay nakapokus sa tao na may kalayaang magdesisyon sa kaniyang kilos o gagawin at ang kaniyang mararamdaman sa pangyayaring ito.



 
I. Panimula
    Ang suyuan sa tubigan ay isang kilalang akda ni Macario Pineda. Si Macario Pineda ay isang Pilipinong manunulat na ipinanganak sa Malolos Bulacan. Tungkol ito sa dalawang lalaking nagpapaligsahan sa pag-aararo at pag-ibig.

II.Pormalistiko
    1.Buod
    -Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng
kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad,
nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay
nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang
gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong
kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal
ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibigat abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan atipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
2.Mga elemento
    a. tauhan
    Pilang,Pastor,Ore,Ka Albina, Pakito, Milyo, Filo, Toning Asyong, Tinong Ka Ipyong, Fermin, Ka Ipso
    b. tagpuan
    Sa araruhing tubigan nina Ka Teryo at Ka Albina.
    c. banghay
1. Panimula- Sumisilip
pa lamang ang araw ng kami'y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka
Teryo. kasabay namin si Ka Albina na kasama niyang si Nati at ang kanyang
pamangking si Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga matong ng kasangkapan
at pagkain.
2.Saglit na kakintalan-
    Nang Kami'y dumating sa tubigang aararuhin ay malapit nang makatapos ng pagtitilad si Ka Ipyong at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay natanaw naming dumating sina Ka
Punso, Ka Imong, Toning , Ilo, at Asyong. Sa malayo ay may ilan nang dumarating na hindi namin mapagpasiya.    
3.Papataas na Aksyon- 
 Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot. Lalong nag-umahon ang mga
kalamnan sa mga hita ng kanyang kalabaw. Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si ore. Lalong bumilis ang hakbang ng kanyang kalabaw. At sa layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting umabot si Ore kay Pastor. Isa pang pilantik. Nag-umunat angkalabaw ni Ore. Bumubula ang bunganga ng kalakian. Yuko ang ulo at lahat ng lakas ay ibinigay na. Lalo kaming naghiyawan.
4. Kasukdulan- Dahan-dahang lumapit sa amin si Ore. Mapulang mapula ang kanyang mukha. At paulit-ulit niyang
ikinukuskos ang kanyang mga palad sa kanyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang palad ni Ore ay kuskos pa rin siya nang kuskos. Naiisip ko
tuloy: mayroon kayang putik ang kanyang mga palad na siya lamang ang
nakakakita
5.Pababang aksyon-  Nang ako'y tumayo upang tunguhin ang kalabaw ni Ore, nakita kong palapit si Pilang sa binata. At doon sa kinauupuan ng binata - ilang hakbang ang layo sa karamihan - doon siya dinulutan ni Pilang. Ano kaya ang kanyang sinasabi kay Ore.
6.Wakas- Nang
ako'y muling tumanaw mula sa aking pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw ay nakita kong tila naibsan na ng hirap si Ore. At mula sa kinatatayuan ko, ang mga binti ni Pilang ay tila lalong mapuputi.


III.             Teoryang Pampanitikan 
A. Ipaliwanag ang mga Teoryang
Pampanitikan 

1.       Teoryang Klasismo-
 Ang layunin ng panitikan ay
maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may
kaayusan.

2.       Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3.       Teoryang Imahismo-  Ang layunin ng panitikan ay
gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. 

4.       Teoryang Realismo-     Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. 

5.       Teoryang Feminismo-  Ang layunin ng panitikan ay
magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
B.     Teoryang Gagamitin sa Pagsusuri

-       Teoryang Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. 

C.     Pagsusuri gamit ang Teorya 

-     napili ko ang Romantisismo dahil ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkasintahan.
 
I. Panimula 
  Ito ay isang akda ni Efren R. Abueg. Si Efren Reyes Abueg ay isang
kuwentista na gumawa ng mabangis na lungsod. Siya ay nagkamit na ng mga
rekognasyon sa 
Carlos
Palanca Memorial Awards


II. Pagsusuring Pangnilalaman
 a.  Paksa o Tema- Tungkol ito
sa isang batang manlilimos sa Quiapo na tumakas mula sa kanyang amo ngunit sa kasamaang-palad ay nahuli siya
nito.
b. Simbolismo-
    1. Simbolismo ng mga bagay na binanggit sa akda- Simbahan: pag-asa ng mga taong naghihirap; 
    2. Simbolismo ng mga Tauhan o karakter na binanggt sa paksa- Bruno: mga masamang
tao na gumagamit ng iba para yumaman; Adong: mga batang inaabuso at pinapalimos
ng mga sindikato at mga
minamaltrato.
c. Uri- isang makatotohanang kwento, dahil ang pangyayari ganito ay
nangyayari sa totoong buhay lalong lalo na sa
Quiapo.
d. Magandang Pahayag - Naramdaman niya ang paghahagupit ni Bruno. Natulig siya. Nahilo.
Hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa
kanya.

III. Pagsusuring Pampanitikan
1. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito- Naramdaman niya ang paghahagupit ni Bruno. Natulig siya. Nahilo.
Hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa
kanya:
ang ibig sabihin ay sinaktan siya ni Bruno at nakatulog siya. 
2. Mga aral at implikasyon nito-
Pantay-pantay dapat ang
pagtrato natin sa isa’t isa mahirap man o hindi dapat tayong magtulungan para sa
ikabubuti ng lahat  at May mga
responsibilidad ang bawat tao at ito’y dapat ginagampanan sa mabuting pamamaraan



3. Kalakasan at kahinaan ng
pagsulat-wala…

 
 I. Panimula
- Ito ay isang akda na ginawa ni Rogelio Sikat. Isang kwentistang nagkamit na ng maraming karngalan sa Gawad Palanca. Nagkamit ng napakaraming parangal ng kwentong ito na gawa niya.

II.  Pormalistiko
1. Buod
Naghuhugas
ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina.
Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang
mukha. 
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa
  siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin
  ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na
  maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at
  dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa
  agwador na si Ogor. 
Napansin
ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may
sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa
isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong
tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa
pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa
gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang. 
Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito
sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit
  kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sasunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita.
  Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor.
  Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng
kapangyarihan

 2. Mga Elemento
a.Tagpuan: Sa bahay ni Impen at sa
gripo
b.Tauhan: Impen, Ogor, Boyet, Kano, Diding, Kanyang ina at mga
Agwador.

3. Banghay:
Panimula: Pagkagising ni Impen ay pupunta na siya sa gripo at
sinabi sa kanya ng kanyang ina na huwag makipag-basag ulo. Habang naglalakad
  siya ay pinagtitinginan siya ng mga bata at kahit tingin lang iyon ay alam niya
  kung ano iyon at iyon ay “Negro” napayuko na lamang
siya.
Saglit na kakintalan:: Nagtungo na siya sa gripo at doon ay
tinukso siya nanaman ni Ogor.
Pataas na Aksyon:  Nang siya na ang magiigib sa gripo ay
sinabi sa kanya ni Ogor na siya muna ngunit ayaw niya kaya sinuntok siya ni
ogor.
Kasukdulan: Nag-init na si impen at wala na siyang naramdaman na
sakit kahit duguan na siya. Nagsuntukan sila ng
nagsuntukan.
Pababang aksyon: Sinabi ni Ogor na susuko na siya kaya nanalo si
Impen.
Wakas: Humanga ang ibang agwador sa Kanya at naramdaman niya ang
kapangyarihan.
Tungalian: tao laban sa tao


III. Teoryang Pampanitikan
1.Mga teoryang pampanitikan:
Realismo:
Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga
bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at
kapaligiran.
Ang mga akdang nasa ilalim nito ay
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang
katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng
mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami
rin ang tagpuan. Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong
Panahon
Humanismo:
Binibigyan pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang
pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagndang damdaming taglay ng isang
tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang
magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda .
Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.Ito'y namayagpag
sa Makabagong Panahon
Eksistensiyalismo:
Binibigyan-diin
ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng
tauhan.Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang
magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng
tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito
harapin.Ito'y namayagpag sa Panahon ng Kastila at
  Kasalukuyan.

Naturalismo:
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin
ito.Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan
nito.Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan.

Moralistiko:
Ipinalalagay
ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng
maraming kaalamn. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong
maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at
pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang
mambabasa sa mabuti o masamng landas. Namayagpag ito sa Panahon ng Kastila at
Makabagong Panahon.


2.Teoryang gagamitin sa pagsusuri:
Realismo:
Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at
kapaligiran.

Ang mga akdang nasa ilalim nito ay
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang
katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng
mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami
rin ang tagpuan. Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong
Panahon.


3.Pagsusuri gamit ang Teoryang napili:
Realismo
ang teryang napili ko sapagkat ang panunukso sa mga Negro at mahihina ay
nangyayari sa totoong buhay at ang mga away ng mga kabataan ay nangyayari din. 

IV. Reaksyon:
Maganda ang Impeng Negro dahil nagtapos ito sa maganda at maayos na
paraan. Nanalo ang bida at nagging mabuti ang
antagonist.