Picture

 IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES


 
  Ang  Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at napakagagandang tanawin na nakapaloob
  dito. Meron mang kaunting kulang pero halos lahat ng yamang mineral ay meron
  tayo. dito ay maraming ginto, mga metal at iba pa na matatagpuan dito. iyan ang
  dahilan ng pagpunta ng mga dayuhan dito.
         
          Ngayon, bakit nga ba kaya naging mas masaya
dito sa Pilipinas?

 Kung ating susuriin ang ating mapa o mga libro tungkol
salugar sa bansa ay makikita natin ang kaliitan ng bansang pilipinas ngunit
magugulat ka sa nakapaloob dito. Ayon sa mga ibang dayuhan ay napakapalakaibigan
ng mga tao sa pilipinas, masayahin,magiliw na tumatanggap ng bisita at mabait
daw tayong mga Pinoy at sa kabila ng mga problema at kalamidad na dumarating sa
ating buhay ay nakukuha pa rin nating ngumiti at magsaya kaya humahanga sila sa
atin. Kya hindi malayong magustuhan tayo ng mga dayuhan. Pero hindi lang iyan
dahil sa ugali natin, maging sa mga tanawin at magagandang karagatang ay marami
pa rin tayong maipagmamalaki at dahilan kung bakit masya dito sa Pilipinas. Kung
ating iisa-isahin ang mga magagandang tanawin dito at lugar na nakakarelax ay
aabutin pa tayo ng siyam-siyam kaya sasabihin nlang natin ang mga tanyag na
lugar lang bakit masaya dito sa Pilipinas. Nangunguna na diyan ang napabilang sa
seven wonders of the world na puerto prinsesa Underground river na isang
kilometro ang haba at puno ng kagandahan sa loob nito. Ang Boracay na malagatas
na buhangin at kalinawan ng tubig ay sobrang nakaaait sa mga turista. AngBanaue
  Rice Terraces na pinakamalaking rice terraces sa buong mundo. meron din tayong
  mga makasaysayang lugar sa iba't-ibang paligid ng bansang Pilipinas na
  matatagpuan sa Cebu, Cavite, Manila at marami pang iba.

             Napakadami nating maipagmamalaki sa mundo
kaya dapat natin itong ingatan para ito ay mapreserba pa sa mga susunod na
henerasyon. Aalagaan, huwag itong hayaang sirain o babuyin ng kung sino man.
  Panatilihing malinis, maayos at pagyamanin upang maaari itong gawing kabuhayan
  ng mga tao sa kanilang lugar o maaari din itong makataulong sa pagunld ng
  ekonomiya ng bansa. Athigit sa lahat mahalin natin ito ng buong puso dahil ito
  ay sariling atin at ito'y para sa Pilipino. 


 
 
Picture
LIWANAG SA LIKOD NG ULAP

                       
Liwanag sa likod ng ulap. Ang ginhawa sa bawat paghihirap o kalagayan ng isang
tao.  Maraming taong na pinanghahawakan ang talinhaga na iyan dahil

nagsisikap sila upang makamit ang mga kani-kanilang pangarap. Dahil hindi lang

talino ang ginagamit sa pagkamit ng pangarap kundi ang pagkasipag mo din at

pagtiyatiyaga. Sa bawat taong nagsisikap ay napakahalaga ng
oras dahil
ayaw nilang masayang kahit isang segundo lamang dahil ang oras ay ginto para sa
kanila. Mayroon ding ilang mga tao katulad ni Bill Gates na hindi man sya
nakapagtapos ng may mataas na karangalan, ay nakikita natin ang kanyang

pag-unlad at pagyaman dahil iyon sa kanyang pagsisikap. Napatunayan ni bill
Gates
na hindi lang kailangang matalino o edukado o may mataas na
pinagaralan, dapat
ding ito ay maabilidad at masipag. Sa ganitong paraan
ikaw ay uunlad at maabot
mo ang pangarap ng iyong minimithi balang araw.
Ang may ari ng SM malls na si Henry Sy
ay isa rin sa
patunay na ang  pagsisikap ang susi sa pag-unlad. Si Henry Sy ay dating
palaboy
at nakatira sa kariton lamang. bumili sya ng gamot sa
isang drug store ngunit pinaalis siya ng
mga gwardya
at sinabi niya magsisikap siya upang umunlad at nang umunlad sya ang
drugstore
na ito ay wala sa kahit anong malls na
pag-aari niya. Ilan lamang sila sa mga halimbawa ng  mga umunlad sa kabila ng
mga problema at paghihirap ng isang tao. 


         Lagi nating
tatandaan na laging may liwanag sa likod ng ulap at 
aynag-hihintay lamang
ito kung tayo ay maninindagan at magsisikap upang makamtan ito.

 

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All